Tafsir Al-Mukhtasar
وَكَذَّبَ بِهِۦ قَوْمُكَ وَهُوَ ٱلْحَقُّ ۚ قُل لَّسْتُ عَلَيْكُم بِوَكِيلٍ ﴿٦٦﴾
Nagpasinungaling sa Qur'ān na ito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanang walang pag-aalangan hinggil sa pagiging mula sa ganang kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako isang inaatangan ng pagmamasid sa inyo sapagkat walang iba ako kundi isang tagababala sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi."