×

الأنعام

Ayah 62

Tafsir Al-Mukhtasar

ثُمَّ رُدُّوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ مَوْلَىٰهُمُ ٱلْحَقِّ ۚ أَلَا لَهُ ٱلْحُكْمُ وَهُوَ أَسْرَعُ ٱلْحَـٰسِبِينَ ﴿٦٢﴾

Pagkatapos isasauli ang lahat ng mga kinuha ang mga kaluluwa nila kay Allāh, ang Tagapagmay-ari nilang totoo, upang gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila. Ukol sa Kanya ang paghuhusgang natutupad at ang paghahatol na makatarungan sa kanila. Siya ay ang pinakamabilis na bumilang sa inyo at mag-isa-isa sa mga gawain ninyo.