×

الأنعام

Ayah 52

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَا تَطْرُدِ ٱلَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُم بِٱلْغَدَوٰةِ وَٱلْعَشِىِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُۥ ۖ مَا عَلَيْكَ مِنْ حِسَابِهِم مِّن شَىْءٍ وَمَا مِنْ حِسَابِكَ عَلَيْهِم مِّن شَىْءٍ فَتَطْرُدَهُمْ فَتَكُونَ مِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ ﴿٥٢﴾

Huwag kang magpalayo, O Sugo, sa pagtitipon mo ng mga maralita ng mga Muslim na nasa isang pagsambang palagian kay Allāh sa simula ng maghapon at katapusan nito bilang mga nagpapakawagas sa pag-ukol sa Kanya ng pagsamba. Huwag kang magpalayo sa kanila upang makaakit ka ng mga pinakamalaki sa mga tagapagtambal. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa mga maralitang ito sa anuman. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa ganang Panginoon nila lamang. Walang kailangan sa kanila na pagtutuos sa iyo sa anuman. Tunay na ikaw, kung nagpalayo ka sa kanila sa pagtitipon mo, ay magiging kabilang sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh.