×

الأنعام

Ayah 48

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا نُرْسِلُ ٱلْمُرْسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ ۖ فَمَنْ ءَامَنَ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ ﴿٤٨﴾

Hindi Kami nagsugo ng mga sugo Namin kundi upang magpabatid sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima ng magpapagalak sa kanila na kaginhawahang mananatili, na hindi mauubos ni mapuputol, at upang magpangamba sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway sa parusa Naming matindi. Kaya ang mga sumampalataya sa mga sugo at nagpakatuwid sa gawain nila ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay nila ni sila ay malulungkot at manghihinayang sa anumang nakaalpas sa kanila mula sa mga kapalarang pangmundo.