×

الأنعام

Ayah 37

Tafsir Al-Mukhtasar

وَقَالُوا۟ لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ ءَايَةٌ مِّن رَّبِّهِۦ ۚ قُلْ إِنَّ ٱللَّهَ قَادِرٌ عَلَىٰٓ أَن يُنَزِّلَ ءَايَةً وَلَـٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ ﴿٣٧﴾

Nagsabi ang mga tagapagtambal habang mga nangyayamot at mga nag-aantala sa pananampalataya: "Bakit kaya walang pinababa kay Muḥammad na isang tandang mahimala na magiging isang patotoo mula sa Panginoon niya sa katapatan niya kaugnay sa inihatid Niya?" Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na si Allāh ay nakakakaya sa pagbaba ng isang tanda ayon sa ninanais nila subalit ang higit na marami sa mga tagapagtambal na humihiling ng pagpapababa ng isang tanda ay hindi nakaaalam na ang pagpapababa sa mga tanda ay alinsunod sa kasanhian Niya – pagkataas-taas Siya – at hindi alinsunod sa hinihiling nila." Kung sakaling nagpababa Siya nito, pagkatapos hindi sila naniwala, talaga sanang nagpahamak Siya sa kanila.