×

الأنعام

Ayah 34

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَقَدْ كُذِّبَتْ رُسُلٌ مِّن قَبْلِكَ فَصَبَرُوا۟ عَلَىٰ مَا كُذِّبُوا۟ وَأُوذُوا۟ حَتَّىٰٓ أَتَىٰهُمْ نَصْرُنَا ۚ وَلَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَـٰتِ ٱللَّهِ ۚ وَلَقَدْ جَآءَكَ مِن نَّبَإِى۟ ٱلْمُرْسَلِينَ ﴿٣٤﴾

Huwag kang mag-akala na ang pagpapasinungaling na ito ay natatangi sa inihatid mo sapagkat may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa at sinaktan sila ng mga kalipi nila ngunit hinarap nila iyon nang may pagtitiis sa pag-aanyaya at pakikibaka sa landas ni Allāh hanggang sa dumating sa kanila ang pag-aadya mula kay Allāh. Walang tagapalit sa itinakda ni Allāh na pag-aadya. Nangako Siya nito sa mga sugo Niya. Talaga ngang may dumating sa iyo, O Sugo, na mga salaysay bago mo pa mula sa mga sugo, mga dinanas nila mula sa mga kalipi nila, at ipinagkaloob sa kanila ni Allāh na pag-aadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng pagpapahamak sa mga ito.