×

الأنعام

Ayah 30

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَوْ تَرَىٰٓ إِذْ وُقِفُوا۟ عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ قَالَ أَلَيْسَ هَـٰذَا بِٱلْحَقِّ ۚ قَالُوا۟ بَلَىٰ وَرَبِّنَا ۚ قَالَ فَذُوقُوا۟ ٱلْعَذَابَ بِمَا كُنتُمْ تَكْفُرُونَ ﴿٣٠﴾

Kung sakaling nakakikita ka, O Sugo, kapag pinatayo ang mga tagakaila sa Pagkabuhay sa harapan ng Panginoon nila, ay talaga sanang makakikita ka ng kataka-taka mula sa kasagwaan ng kalagayan nila kapag magsasabi sa kanila si Allāh: "Ang Pagbubuhay na ito, na kayo noon ay nagpapasinungaling dito, ay hindi ba totoong napagtibay na walang pag-aalangan hinggil dito ni duda?" Magsasabi sila: "Sumumpa kami sa Panginoon namin na lumikha sa amin, tunay na ito ay talagang totoo, na napagtibay na walang duda hinggil dito." Kaya magsasabi sa kanila si Allāh sa sandaling iyon: "Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo sa Araw na ito sapagkat kayo noon dito ay nagpapasinungaling sa buhay na pangmundo."