×

الأنعام

Ayah 27

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَوْ تَرَىٰٓ إِذْ وُقِفُوا۟ عَلَى ٱلنَّارِ فَقَالُوا۟ يَـٰلَيْتَنَا نُرَدُّ وَلَا نُكَذِّبَ بِـَٔايَـٰتِ رَبِّنَا وَنَكُونَ مِنَ ٱلْمُؤْمِنِينَ ﴿٢٧﴾

Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag isasalang sila sa Araw ng Pagbangon sa ibabaw ng Apoy saka magsasabi sila dala ng panghihinayang: "O kung sana kami ay pababalikin sa buhay na pangmundo at [upang] hindi magpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at maging kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh, talaga sanang makakikita ka ng isang kagulat-gulat mula sa kasagwaan ng kalagayan nila!"