×

الأنعام

Ayah 23

Tafsir Al-Mukhtasar

ثُمَّ لَمْ تَكُن فِتْنَتُهُمْ إِلَّآ أَن قَالُوا۟ وَٱللَّهِ رَبِّنَا مَا كُنَّا مُشْرِكِينَ ﴿٢٣﴾

Pagkatapos walang iba ang pagdadahilan nila matapos ang pagsusulit na ito kundi na magpawalang-ugnayan sila sa mga sinasamba nila at magsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Sumpa man kay Allāh na Panginoon Namin, kami noon sa Mundo ay hindi mga tagapagtambal sa Iyo, bagkus kami noon ay mga mananampalataya sa Iyo, na mga naniniwala sa kaisahan Mo."