×

الأنعام

Ayah 165

Tafsir Al-Mukhtasar

وَهُوَ ٱلَّذِى جَعَلَكُمْ خَلَـٰٓئِفَ ٱلْأَرْضِ وَرَفَعَ بَعْضَكُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَـٰتٍ لِّيَبْلُوَكُمْ فِى مَآ ءَاتَىٰكُمْ ۗ إِنَّ رَبَّكَ سَرِيعُ ٱلْعِقَابِ وَإِنَّهُۥ لَغَفُورٌ رَّحِيمٌۢ ﴿١٦٥﴾

Si Allāh ay ang gumawa sa inyo na humahalili sa nauna sa inyo sa lupa para sa pagsasagawa ng paglinang nito. Nag-angat Siya sa ilan sa inyo sa mga antas sa pagkakalikha, pagtustos, at iba pa sa mga ito higit sa iba upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo mula roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay mabilis ang parusa sapagkat Siya ay malapit sa bawat dumarating. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain dito.