×

الأنعام

Ayah 161

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ إِنَّنِى هَدَىٰنِى رَبِّىٓ إِلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ دِينًا قِيَمًا مِّلَّةَ إِبْرَٰهِيمَ حَنِيفًا ۚ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ ﴿١٦١﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapasinungaling na ito: "Tunay na ako ay ginabayan ng Panginoon ko tungo sa daang tuwid, ang daan ng relihiyong nagtataguyod sa mga kapakanan ng Mundo at Kabilang-buhay. Ito ay ang kapaniwalaan ni Abraham na nakakiling sa katotohanan, na hindi naging kabilang sa mga tagapagtambal kailanman."