Tafsir Al-Mukhtasar
أَوْ تَقُولُوا۟ لَوْ أَنَّآ أُنزِلَ عَلَيْنَا ٱلْكِتَـٰبُ لَكُنَّآ أَهْدَىٰ مِنْهُمْ ۚ فَقَدْ جَآءَكُم بَيِّنَةٌ مِّن رَّبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ ۚ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن كَذَّبَ بِـَٔايَـٰتِ ٱللَّهِ وَصَدَفَ عَنْهَا ۗ سَنَجْزِى ٱلَّذِينَ يَصْدِفُونَ عَنْ ءَايَـٰتِنَا سُوٓءَ ٱلْعَذَابِ بِمَا كَانُوا۟ يَصْدِفُونَ ﴿١٥٧﴾
Upang hindi kayo magsabi: "Kung sakaling nagbaba si Allāh sa amin ng isang kasulatan gaya ng pinababa Niya sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay talaga sanang kami ay naging higit sa pagkamatuwid kaysa sa kanila," sapagkat may dumating nga sa inyo na isang aklat na pinababa ni Allāh sa Propeta ninyong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa wika ninyo. Iyon ay isang katwirang maliwanag, isang paggabay tungo sa katotohanan, at isang awa para sa Kalipunang Islām. Kaya huwag kayong magpalusot sa pamamagitan ng mga mahinang palusot at magdahilan sa pamamagitan ng mga bulaang dahilan. Walang isa mang higit na mabigat sa kawalang-katarungan kaysa sa nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at lumihis sa mga ito. Magpaparusa Siya sa mga lumilihis sa mga tanda Niya ng isang matinding parusa sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Apoy ng Impiyerno bilang isang ganti sa paglihis nila at pag-ayaw nila sa mga ito.