×

الأنعام

Ayah 149

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ فَلِلَّهِ ٱلْحُجَّةُ ٱلْبَـٰلِغَةُ ۖ فَلَوْ شَآءَ لَهَدَىٰكُمْ أَجْمَعِينَ ﴿١٤٩﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Kung wala kayong mga katwiran maliban sa mga mahinang katwirang ito, tunay na sa kay Allāh ang katwirang pamputol na mapuputol sa harap nito ang mga dahi-dahilan ninyong inilalahad ninyo at mawawalang-saysay sa pamamagitan nito ang mga maling akala ninyong kinakapitan ninyo. Kaya kung sakaling niloob ni Allāh ang pagtutuon sa inyo sa kalahatan sa katotohanan, O mga tagapagtambal, ay talaga sanang nagtuon Siya sa inyo roon."