Tafsir Al-Mukhtasar
وَمِنَ ٱلْأَنْعَـٰمِ حَمُولَةً وَفَرْشًا ۚ كُلُوا۟ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ وَلَا تَتَّبِعُوا۟ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيْطَـٰنِ ۚ إِنَّهُۥ لَكُمْ عَدُوٌّ مُّبِينٌ ﴿١٤٢﴾
Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng mga hayupan na naaangkop na pagpasanin gaya ng mga malaki sa mga kamelyo at hindi naaangkop para roon gaya ng mga maliit sa mga ito at gaya ng mga tupa. Kumain kayo, O mga tao, mula sa itinustos sa inyo ni Allāh kabilang sa mga bagay na pinayagan Niya sa inyo. Huwag kayong sumunod sa mga bakas ng demonyo sa pagpapahintulot ng ipinagbawal ni Allāh at pagbabawal ng ipinahintulot Niya gaya ng ginagawa ng mga tagapagtambal. Tunay na ang demonyo para sa inyo, O mga tao, ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway yayamang nagnanais ito sa inyo na sumuway kayo kay Allāh sa pamamagitan niyon.