×

الأنعام

Ayah 135

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ يَـٰقَوْمِ ٱعْمَلُوا۟ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّى عَامِلٌ ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ مَن تَكُونُ لَهُۥ عَـٰقِبَةُ ٱلدَّارِ ۗ إِنَّهُۥ لَا يُفْلِحُ ٱلظَّـٰلِمُونَ ﴿١٣٥﴾

Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao ko, manatili kayo sa pamamaraan ninyo at anumang kayo ay nariyan gaya ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw sapagkat napagpaumanhinan na ako at naglahad na ako ng katwiran sa inyo sa pamamagitan ng pagpapaabot na malinaw, kaya ako ay hindi pumapansin sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagkaligaw ninyo bagkus mananatili ako sa anumang ako ay nariyan gaya ng katotohanan. Saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng pag-aadya sa Mundo, sino ang magmamana ng lupa, at sino ang pag-uukulan ng tahanan sa Kabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagapagtambal: hindi sa Mundo at hindi sa Kabilang-buhay. Bagkus ang kahihinatnan nila ay ang pagkalugi, kahit pa nagtamasa sila ng tinamasa nila sa Mundo."