Tafsir Al-Mukhtasar
وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا لِكُلِّ نَبِىٍّ عَدُوًّا شَيَـٰطِينَ ٱلْإِنسِ وَٱلْجِنِّ يُوحِى بَعْضُهُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ زُخْرُفَ ٱلْقَوْلِ غُرُورًا ۚ وَلَوْ شَآءَ رَبُّكَ مَا فَعَلُوهُ ۖ فَذَرْهُمْ وَمَا يَفْتَرُونَ ﴿١١٢﴾
Kung paanong sumubok Kami sa iyo sa pamamagitan ng pangangaway ng mga tagapagtambal na ito sa iyo, sumubok Kami sa bawat propeta noong bago mo. Nagtalaga Kami para sa bawat isa sa kanila ng mga kaaway na mga naghihimagsik na tao at mga kaaway na mga naghihimagsik na jinn. Nanulsol ang iba sa kanila sa iba pa kaya naipang-akit ng mga ito sa kanila ang kabulaanan upang linlangin sila. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi nila gawin iyon ay hindi sana nila ginawa iyon, subalit Siya ay lumuob sa kanila niyon bilang isang pagsubok. Kaya iwan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila na kawalang-pananampalataya at kabulaanan. Huwag kang pumansin sa kanila.