×

الأنعام

Ayah 109

Tafsir Al-Mukhtasar

وَأَقْسَمُوا۟ بِٱللَّهِ جَهْدَ أَيْمَـٰنِهِمْ لَئِن جَآءَتْهُمْ ءَايَةٌ لَّيُؤْمِنُنَّ بِهَا ۚ قُلْ إِنَّمَا ٱلْـَٔايَـٰتُ عِندَ ٱللَّهِ ۖ وَمَا يُشْعِرُكُمْ أَنَّهَآ إِذَا جَآءَتْ لَا يُؤْمِنُونَ ﴿١٠٩﴾

Nanumpa ang mga tagapagtambal kay Allāh ng pinakamatindi sa mga panunumpa nila na nakakakaya nila na talagang kung naghatid sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng isang tanda mula sa mga tanda na iminungkahi nila ay talagang sasampalataya nga sila rito. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang mga tanda ay hindi nasa ganang akin para magpababa ako ng mga ito; ang mga ito ay nasa ganang kay Allāh lamang. Nagpapababa Siya ng mga ito kapag niloob Niya. Ano ang magpapaalam sa inyo, O mga mananampalataya, na ang mga tandang ito, kapag dumating alinsunod sa iminungkahi nila, ay hindi sila sasampalataya? Bagkus mananatili sila sa pagmamatigas nila at pagtanggi nila dahil sila ay hindi nagnanais ng kapatnubayan."