Tafsir Al-Mukhtasar
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تُحَرِّمُوا۟ طَيِّبَـٰتِ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَعْتَدُوٓا۟ ۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلْمُعْتَدِينَ ﴿٨٧﴾
O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga minamasarap na pinapayagan gaya ng mga pagkain, mga inumin, at mga pag-aasawa. Huwag kayong magbawal ng mga ito dala ng pagkakasya sa kaunti o pagkamananamba. Huwag kayong lumampas sa mga hangganan ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya, bagkus napupuot Siya sa kanila.