×

المائدة

Ayah 84

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا لَنَا لَا نُؤْمِنُ بِٱللَّهِ وَمَا جَآءَنَا مِنَ ٱلْحَقِّ وَنَطْمَعُ أَن يُدْخِلَنَا رَبُّنَا مَعَ ٱلْقَوْمِ ٱلصَّـٰلِحِينَ ﴿٨٤﴾

May aling dahilan na humaharang sa pagitan natin at ng pananampalataya kay Allāh at sa pinababa Niya na katotohanang inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang tayo ay umaasa sa pagpasok sa Paraiso kasama sa mga propeta at mga tagasunod nilang mga tumatalima kay Allāh, na mga nangangamba sa parusa Niya?