×

المائدة

Ayah 80

Tafsir Al-Mukhtasar

تَرَىٰ كَثِيرًا مِّنْهُمْ يَتَوَلَّوْنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ ۚ لَبِئْسَ مَا قَدَّمَتْ لَهُمْ أَنفُسُهُمْ أَن سَخِطَ ٱللَّهُ عَلَيْهِمْ وَفِى ٱلْعَذَابِ هُمْ خَـٰلِدُونَ ﴿٨٠﴾

Nakasasaksi ka, O Sugo, sa marami sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyong ito na umiibig sa mga tagatangging sumampalataya at kumikiling sa mga iyon, at nakikipag-away sa iyo at nakikipag-away sa mga Monoteista. Kay sagwa ang ipinangangahas nila na pakikipagtangkilikan nila sa mga tagatangging sumampalataya sapagkat ito ay dahilan ng galit ni Allāh sa kanila at ng pagpapasok Niya sa kanila sa Apoy bilang mga mananatili roon; hindi sila lalabas mula roon magpakailanman.