×

المائدة

Ayah 78

Tafsir Al-Mukhtasar

لُعِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِنۢ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ عَلَىٰ لِسَانِ دَاوُۥدَ وَعِيسَى ٱبْنِ مَرْيَمَ ۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوا۟ وَّكَانُوا۟ يَعْتَدُونَ ﴿٧٨﴾

Nagpapabatid si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na Siya ay nagtaboy sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga anak ni Israel mula sa awa Niya ayon sa nasaad sa kasulatan na pinababa Niya kay David, ang Salmo, at sa kasulatan na pinababa Niya kay Jesus na anak ni Maria, ang Ebanghelyo. Ang pagtataboy na iyon mula sa awa ay dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway at paglabag sa mga pinakababanal kay Allāh.