×

المائدة

Ayah 57

Tafsir Al-Mukhtasar

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تَتَّخِذُوا۟ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُوا۟ دِينَكُمْ هُزُوًا وَلَعِبًا مِّنَ ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْكِتَـٰبَ مِن قَبْلِكُمْ وَٱلْكُفَّارَ أَوْلِيَآءَ ۚ وَٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ ﴿٥٧﴾

O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga nanunuya sa relihiyon ninyo at naglalaru-laro rito kabilang sa mga binigyan ng kasulatan bago pa ninyo kabilang sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at mga tagapagtambal bilang mga kapanalig at mga hinirang. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa sinaway Niya sa inyo na pakikipagtangkilikan sa kanila, kung kayo ay mga mananampalataya sa Kanya at sa pinababa Niya sa inyo.