×

المائدة

Ayah 54

Tafsir Al-Mukhtasar

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ مَن يَرْتَدَّ مِنكُمْ عَن دِينِهِۦ فَسَوْفَ يَأْتِى ٱللَّهُ بِقَوْمٍ يُحِبُّهُمْ وَيُحِبُّونَهُۥٓ أَذِلَّةٍ عَلَى ٱلْمُؤْمِنِينَ أَعِزَّةٍ عَلَى ٱلْكَـٰفِرِينَ يُجَـٰهِدُونَ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا يَخَافُونَ لَوْمَةَ لَآئِمٍ ۚ ذَٰلِكَ فَضْلُ ٱللَّهِ يُؤْتِيهِ مَن يَشَآءُ ۚ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌ ﴿٥٤﴾

O mga sumampalataya, ang sinumang tatalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya patungo sa kawalang-pananampalataya ay papalitan ni Allāh ng mga taong iibig Siya sa kanila at iibig sila sa Kanya dahil sa pagpapakatuwid nila, na mga maawain sa mga mananampalataya, na mga matindi sa mga tagatangging sumampalataya, na nakikibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan, at hindi natatakot sa pamumuna ng sinumang namumuna dahil sa pagpapauna nila sa kaluguran ni Allāh higit sa kaluguran ng mga nilikha. Iyon ay bahagi ng bigay ni Allāh na ibinibigay Niya sa sinumang loloobin Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang paggawa ng maganda, Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa kabutihang-loob Niya kaya nagkakaloob nito sa kanya, samantalang ang sinumang hindi nagiging karapat-dapat dito ay pinagkakaitan Niya nito.