Tafsir Al-Mukhtasar
وَأَنزَلْنَآ إِلَيْكَ ٱلْكِتَـٰبَ بِٱلْحَقِّ مُصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ ٱلْكِتَـٰبِ وَمُهَيْمِنًا عَلَيْهِ ۖ فَٱحْكُم بَيْنَهُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَآءَهُمْ عَمَّا جَآءَكَ مِنَ ٱلْحَقِّ ۚ لِكُلٍّ جَعَلْنَا مِنكُمْ شِرْعَةً وَمِنْهَاجًا ۚ وَلَوْ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَٰحِدَةً وَلَـٰكِن لِّيَبْلُوَكُمْ فِى مَآ ءَاتَىٰكُمْ ۖ فَٱسْتَبِقُوا۟ ٱلْخَيْرَٰتِ ۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ ﴿٤٨﴾
Nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān na may katapatang walang duda at walang alinlangan na ito ay mula sa ganang Kanya bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito na mga kasulatang pinababa at bilang pinagkakatiwalaan sa mga ito. Kaya ang anumang umaayon dito mula sa mga iyon, iyan ay katotohanan; at ang anumang sumasalungat dito, iyan ay kabulaanan. Kaya humatol ka sa pagitan nila ayon sa pinababa ni Allāh sa iyo kaugnay roon. Huwag kang sumunod sa mga pithaya nilang pinanghahawakan nila habang iniiwan ang pinababa sa iyo na katotohanang walang duda hinggil doon. Gumawa si Allāh para sa bawat kalipunan ng isang batas mula sa mga patakarang panggawain at ng isang paraang maliwanag na napapatnubayan sila sa pamamagitan nito. Kung sakaling niloob ni Allāh na pag-isahin ang mga batas, talaga sanang pinag-isa Niya ang mga ito subalit Siya ay gumawa para sa bawat kalipunan ng batas upang sulitin ang lahat para malantad ang tagatalima sa tagasuway. Kaya magmadali kayo tungo sa paggawa ng mga kabutihan at pag-iwan sa mga nakasasama sapagkat tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon. Magbabalita Siya sa inyo tungkol sa anumang kayo noon kaugnay roon ay nagkakasalungatan. Gaganti Siya sa inyo sa anumang ipinauna ninyo na mga gawa.