×

المائدة

Ayah 38

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱلسَّارِقُ وَٱلسَّارِقَةُ فَٱقْطَعُوٓا۟ أَيْدِيَهُمَا جَزَآءًۢ بِمَا كَسَبَا نَكَـٰلًا مِّنَ ٱللَّهِ ۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ ﴿٣٨﴾

Ang lalaking magnanakaw at ang babaing magnanakaw ay putulin ninyo, O mga pinuno, ang kanang kamay ng bawat isa sa kanila bilang pagganti sa kanila, bilang kaparusahan mula kay Allāh sa nagawa nila na pagkuha sa mga ari-arian ng mga tao nang wala sa katwiran, at bilang pagpapasindak sa kanila at sa iba pa sa kanila. Si Allāh ay Makapangyarihan: hindi Siya nadadaig ng anuman, Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya.