Tafsir Al-Mukhtasar
وَمِنَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓا۟ إِنَّا نَصَـٰرَىٰٓ أَخَذْنَا مِيثَـٰقَهُمْ فَنَسُوا۟ حَظًّا مِّمَّا ذُكِّرُوا۟ بِهِۦ فَأَغْرَيْنَا بَيْنَهُمُ ٱلْعَدَاوَةَ وَٱلْبَغْضَآءَ إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْقِيَـٰمَةِ ۚ وَسَوْفَ يُنَبِّئُهُمُ ٱللَّهُ بِمَا كَانُوا۟ يَصْنَعُونَ ﴿١٤﴾
Gaya ng pagtanggap sa mga Hudyo ng isang kasunduang binigyang-diin na pinagtibay, tinanggap sa mga nagmamalinis sa mga sarili nila na sila raw ay mga tagasunod ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit iniwan nila ang paggawa sa isang bahagi mula sa ipinaalaala sa kanila gaya ng ginawa ng mga ninuno nila kabilang sa mga Hudyo. Inihasik sa gitna nila ang hidwaan at ang matinding pagkasuklam hanggang sa Araw ng Pagbangon kaya sila ay naging mga nag-aawayang naglalaban-laban, na nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya ang isa't isa sa kanila. Magpapabatid sa kanila si Allāh ng anumang dating pinaggagawa nila at gaganti Siya sa kanila rito.