Tafsir Al-Mukhtasar
يَوْمَ يَجْمَعُ ٱللَّهُ ٱلرُّسُلَ فَيَقُولُ مَاذَآ أُجِبْتُمْ ۖ قَالُوا۟ لَا عِلْمَ لَنَآ ۖ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّـٰمُ ٱلْغُيُوبِ ﴿١٠٩﴾
Banggitin ninyo, O mga tao, sa Araw ng Pagbangon kung kailan kakalap si Allāh sa lahat ng mga sugo saka magsasabi Siya sa kanila: "Ano ang itinugon sa inyo ng mga kalipunan ninyo na pinagsuguan Ko sa inyo?" Magsasabi sila, habang mga nagpapaubaya ng sagot kay Allāh: "Walang kaalaman sa amin at ang kaalaman ay sa Iyo lamang, O Panginoon namin; tunay na Ikaw – tanging Ikaw – ay ang nakaaalam sa mga bagay-bagay na nakalingid."