Tafsir Al-Mukhtasar
وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ وَكَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَآ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلْجَحِيمِ ﴿١٠﴾
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga tanda Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy na papasukin nila bilang kaparusahan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila, bilang mga mamamalagi roon gaya ng pamamalagi ng kasamahan sa kasamahan niya.