×

الفتح

Ayah 12

Tafsir Al-Mukhtasar

بَلْ ظَنَنتُمْ أَن لَّن يَنقَلِبَ ٱلرَّسُولُ وَٱلْمُؤْمِنُونَ إِلَىٰٓ أَهْلِيهِمْ أَبَدًا وَزُيِّنَ ذَٰلِكَ فِى قُلُوبِكُمْ وَظَنَنتُمْ ظَنَّ ٱلسَّوْءِ وَكُنتُمْ قَوْمًۢا بُورًا ﴿١٢﴾

Ang idinahi-dahilan ninyo na pagkaabala sa pangangalaga sa mga ari-arian at mga anak ay hindi ang dahilan ng pagpapaiwan ninyo sa paglalakbay kasama sa kanya, bagkus nagpalagay kayo na ang Sugo at ang mga Kasamahan niya ay mapapahamak nang lahatan at hindi makababalik sa mga mag-anak nila sa Madīnah. Pinaganda iyon ng demonyo sa mga puso ninyo. Nagpalagay kayo ng isang masagwang pagpapalagay sa Panginoon ninyo na Siya ay hindi mag-aadya sa Propeta Niya. Kayo ay naging mga taong napahamak dahilan sa ipinangahas ninyo na pagpapalagay ng kasagwaan kay Allāh at pagpapaiwan palayo sa Sugo Niya."