Tafsir Al-Mukhtasar
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ إِن تَنصُرُوا۟ ٱللَّهَ يَنصُرْكُمْ وَيُثَبِّتْ أَقْدَامَكُمْ ﴿٧﴾
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kung mag-aadya kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pag-aadya sa Propeta Niya at Relihiyon Niya at sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya, mag-aadya Siya sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaloob sa inyo ng pananaig laban sa kanila at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo sa digmaan sa sandali ng pakikipagtagpo sa mga iyon.