Tafsir Al-Mukhtasar
إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱرْتَدُّوا۟ عَلَىٰٓ أَدْبَـٰرِهِم مِّنۢ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلْهُدَى ۙ ٱلشَّيْطَـٰنُ سَوَّلَ لَهُمْ وَأَمْلَىٰ لَهُمْ ﴿٢٥﴾
Tunay na ang mga bumalik mula sa pananampalataya patungo sa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw nang matapos nailatag sa kanila ang katwiran at luminaw para sa kanila ang katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang demonyo ay ang nang-akit sa kanila sa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, nagpadali nito sa kanila, at nagpamithi sa kanila dahil sa haba ng pag-asa.