×

الشورى

Ayah 37

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱلَّذِينَ يَجْتَنِبُونَ كَبَـٰٓئِرَ ٱلْإِثْمِ وَٱلْفَوَٰحِشَ وَإِذَا مَا غَضِبُوا۟ هُمْ يَغْفِرُونَ ﴿٣٧﴾

[Ito ay para sa] mga lumalayo sa malALaki sa mga pagkakasala at mga pangit sa mga ito. Kapag nagalit sila sa gumawa ng masagwa sa kanila sa salita o gawa ay nagpapatawad sila sa kanya sa pagkatisod niya at hindi nagpaparusa sa kanya dahil doon. Ang pagpapaumanhing ito ay isang pagmamabuting-loob mula sa kanila kapag ito ay mayroong kabutihan at kapakanan.