Tafsir Al-Mukhtasar
ٱللَّهُ ٱلَّذِىٓ أَنزَلَ ٱلْكِتَـٰبَ بِٱلْحَقِّ وَٱلْمِيزَانَ ۗ وَمَا يُدْرِيكَ لَعَلَّ ٱلسَّاعَةَ قَرِيبٌ ﴿١٧﴾
Si Allāh ay ang nagpababa ng Qur'ān kalakip ng katotohanang walang mapag-aalinlanganan dito at nagpababa ng katarungan upang humatol sa pagitan ng mga tao ayon sa pagkamakatarungan. Maaaring ang Huling Sandaling pinasisinungalingan ng mga ito ay malapit na. Alam ng lahat na ang bawat parating ay malapit.