×

الصافات

Ayah 22

Tafsir Al-Mukhtasar

ٱحْشُرُوا۟ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ وَأَزْوَٰجَهُمْ وَمَا كَانُوا۟ يَعْبُدُونَ ﴿٢٢﴾

Sasabihin sa mga anghel sa Araw na iyon: "Tipunin ninyo ang mga tagapagtambal na tagalabag sa katarungan dahil sa shirk nila mismo, ang mga kawangis nila sa shirk at ang mga tagakampi sa kanila sa pagpapasinungaling, at ang mga anitong dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh, saka ipakilala ninyo sa kanila ang daan ng Apoy, ituro ninyo sa kanila iyon, at akayin ninyo sila tungo roon sapagkat tunay na iyon ay ang kahahantungan nila.