×

السجدة

Ayah 9

Tafsir Al-Mukhtasar

ثُمَّ سَوَّىٰهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِن رُّوحِهِۦ ۖ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمْعَ وَٱلْأَبْصَـٰرَ وَٱلْأَفْـِٔدَةَ ۚ قَلِيلًا مَّا تَشْكُرُونَ ﴿٩﴾

Pagkatapos lumubos Siya sa paglikha ng tao sa pagkakahubog at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya sa pamamagitan ng pag-uutos sa anghel na nakatalaga sa pag-ihip ng espiritu. Gumawa Siya para sa inyo, O mga tao, ng mga pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipang-unawa ninyo. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo kay Allāh sa mga biyayang ito na ibiniyaya Niya sa inyo!