Tafsir Al-Mukhtasar
يُدَبِّرُ ٱلْأَمْرَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ إِلَى ٱلْأَرْضِ ثُمَّ يَعْرُجُ إِلَيْهِ فِى يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُۥٓ أَلْفَ سَنَةٍ مِّمَّا تَعُدُّونَ ﴿٥﴾
Nangangasiwa si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa nauukol sa lahat ng mga nilikha sa mga langit at sa lupa. Pagkatapos aakyat sa Kanya ang usaping iyon sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo mismo, O mga tao, sa Mundo.