×

لقمان

Ayah 27

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَوْ أَنَّمَا فِى ٱلْأَرْضِ مِن شَجَرَةٍ أَقْلَـٰمٌ وَٱلْبَحْرُ يَمُدُّهُۥ مِنۢ بَعْدِهِۦ سَبْعَةُ أَبْحُرٍ مَّا نَفِدَتْ كَلِمَـٰتُ ٱللَّهِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ ﴿٢٧﴾

Kung sakaling ang anumang nasa lupa na mga punong-kahoy na pinutol at tinasahan ay naging mga panulat at ginawa ang dagat na tinta para sa mga iyon, at kung sakaling dinagdagan ito ng pitong dagat, hindi masasaid ang mga salita ni Allāh dahil sa kawalan ng pagwawakas ng mga ito. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihang walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.