×

لقمان

Ayah 18

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَا تُصَعِّرْ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمْشِ فِى ٱلْأَرْضِ مَرَحًا ۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ ﴿١٨﴾

Huwag kang maglihis ng mukha mo palayo sa mga tao dala ng pagpapakamalaki at huwag kang maglakad sa ibabaw ng lupa dala ng pagkatuwang humanga sa sarili mo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mayabang sa paglalakad niya, na hambog sa anumang ibinigay sa kanya na mga biyaya, na nagpapakamalaki dahil sa mga ito sa mga tao at hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga ito.