×

العنكبوت

Ayah 64

Tafsir Al-Mukhtasar

وَمَا هَـٰذِهِ ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَآ إِلَّا لَهْوٌ وَلَعِبٌ ۚ وَإِنَّ ٱلدَّارَ ٱلْـَٔاخِرَةَ لَهِىَ ٱلْحَيَوَانُ ۚ لَوْ كَانُوا۟ يَعْلَمُونَ ﴿٦٤﴾

Walang iba ang buhay na ito sa Mundo – kalakip ng dulot nito na mga ninanasa at tinatamasa – kundi isang paglilibang para sa mga puso ng mga nahuhumaling dito at isang laro. Hindi maglalaon at magwawakas ito nang may kabilisan. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang buhay na tunay dahil sa pananatili niyon. Kung sakaling sila noon ay nakaaalam, hindi sana sila nagpauna ng [gawang] naglalaho higit sa [gawang] nananatili.