×

العنكبوت

Ayah 52

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ كَفَىٰ بِٱللَّهِ بَيْنِى وَبَيْنَكُمْ شَهِيدًا ۖ يَعْلَمُ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۗ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ بِٱلْبَـٰطِلِ وَكَفَرُوا۟ بِٱللَّهِ أُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْخَـٰسِرُونَ ﴿٥٢﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Nakasapat si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – bilang tagasaksi sa katapatan ko sa anumang inihatid ko at sa pagpapasinungaling ninyo rito. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan mula sa bawat sinasamba bukod pa kay Allāh at tumangging sumampalataya kay Allāh na karapat-dapat lamang para sa pagsamba, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagpapalit nila ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya."