×

العنكبوت

Ayah 31

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَمَّا جَآءَتْ رُسُلُنَآ إِبْرَٰهِيمَ بِٱلْبُشْرَىٰ قَالُوٓا۟ إِنَّا مُهْلِكُوٓا۟ أَهْلِ هَـٰذِهِ ٱلْقَرْيَةِ ۖ إِنَّ أَهْلَهَا كَانُوا۟ ظَـٰلِمِينَ ﴿٣١﴾

Noong dumating ang mga anghel na ipinadala Namin upang magbalita ng nakagagalak kay Abraham hinggil kay Isaac at sa matapos nito na anak nitong si Jacob ay nagsabi sila: "Tunay na kami ay magpapahamak sa mga naninirahan sa pamayanan ng Sodom, na pamayanan ng mga kababayan ni Lot. Tunay na ang mga naninirahan diyan ay laging mga tagalabag sa katarungan dahil sa isinasagawa nila na paggawa ng mahalay."