×

الفرقان

Ayah 45

Tafsir Al-Mukhtasar

أَلَمْ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيْفَ مَدَّ ٱلظِّلَّ وَلَوْ شَآءَ لَجَعَلَهُۥ سَاكِنًا ثُمَّ جَعَلْنَا ٱلشَّمْسَ عَلَيْهِ دَلِيلًا ﴿٤٥﴾

Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga bakas ng pagkalikha ni Allāh nang inilatag Niya ang anino sa mukha ng lupa? Kung sakaling niloob Niya na gawin itong nakatigil na hindi gumagalaw ay talaga sanang ginawa Niya ito na ganoon. Pagkatapos ginawa ang araw bilang katunayan dito, na humahaba sa pamamagitan ng araw at umiikli.