×

الفرقان

Ayah 3

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱتَّخَذُوا۟ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً لَّا يَخْلُقُونَ شَيْـًٔا وَهُمْ يُخْلَقُونَ وَلَا يَمْلِكُونَ لِأَنفُسِهِمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا وَلَا يَمْلِكُونَ مَوْتًا وَلَا حَيَوٰةً وَلَا نُشُورًا ﴿٣﴾

Gumawa ang mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ng mga sinasambang hindi lumilikha ng anumang maliit o malaki samantalang sila ay nililikha sapagkat lumikha sa kanila si Allāh mula sa isang kawalan. Hindi sila nakakakaya sa pagtulak ng pinsala palayo sa mga sarili nila ni sa paghatak ng pakinabang para sa mga ito. Hindi sila nakakakaya sa pagbibigay-kamatayan sa isang buhay ni sa pagbibigay-buhay sa isang patay. Hindi sila nakakakaya sa pagbubuhay sa mga patay mula sa mga libingan ng mga ito.