Tafsir Al-Mukhtasar
وَهُوَ ٱلَّذِى يُحْىِۦ وَيُمِيتُ وَلَهُ ٱخْتِلَـٰفُ ٱلَّيْلِ وَٱلنَّهَارِ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ ﴿٨٠﴾
Siya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagbibigay-buhay sapagkat walang tagapagbigay-buhay na iba pa sa Kanya. Siya lamang ay ang nagbibigay-kamatayan sapagkat walang tagapagbigay-kamatayan bukod pa sa Kanya. Sa Kanya ang pagtatakda sa pagsasalitan ng gabi at maghapon sa dilim at pagliliwanag, at sa haba at ikli. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa sa kakayahan Niya at pamumukod-tangi Niya sa paglikha at pangangasiwa?