Tafsir Al-Mukhtasar
لَا تَجْـَٔرُوا۟ ٱلْيَوْمَ ۖ إِنَّكُم مِّنَّا لَا تُنصَرُونَ ﴿٦٥﴾
Sasabihin sa kanila bilang pagpapawalang-pag-asa para sa kanila sa awa ni Allāh: "Huwag kayong sumigaw at huwag kayong magpasaklolo sa araw na ito sapagkat walang tagapag-adya para sa inyo na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh."