Tafsir Al-Mukhtasar
قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ وَيْلَكُمْ لَا تَفْتَرُوا۟ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا فَيُسْحِتَكُم بِعَذَابٍ ۖ وَقَدْ خَابَ مَنِ ٱفْتَرَىٰ ﴿٦١﴾
Nagsabi si Moises habang nangangaral sa mga manggagaway ni Paraon: "Mag-ingat kayo! Huwag kayong lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingang sa pamamagitan ng panggagaway na ipinandadaya ninyo sa mga tao sapagkat lilipulin Niya kayo sa pamamagitan ng isang pagdurusa mula sa ganang Kanya. Nalugi nga ang sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan."