Tafsir Al-Mukhtasar
وَأْمُرْ أَهْلَكَ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱصْطَبِرْ عَلَيْهَا ۖ لَا نَسْـَٔلُكَ رِزْقًا ۖ نَّحْنُ نَرْزُقُكَ ۗ وَٱلْعَـٰقِبَةُ لِلتَّقْوَىٰ ﴿١٣٢﴾
Mag-utos ka, O Sugo, sa mag-anak mo ng pagsasagawa ng pagdarasal at magpakamatiisin ka mismo sa pagsasagawa nito. Hindi Kami humihiling mula sa iyo ng isang panustos para sa sarili mo ni para sa iba pa sa iyo; Kami ay naggagarantiya ng pagtutustos sa iyo. Ang pinapupurihang kahihinatnan sa Mundo at Kabilang-buhay ay ukol sa mga may pangingilag magkasala, na mga nangangamba kay Allah kaya sumusunod sila sa mga ipinag-uutos Niya at umiiwas sila sa mga sinasaway Niya.