×

البقرة

Ayah 67

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِۦٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَن تَذْبَحُوا۟ بَقَرَةً ۖ قَالُوٓا۟ أَتَتَّخِذُنَا هُزُوًا ۖ قَالَ أَعُوذُ بِٱللَّهِ أَنْ أَكُونَ مِنَ ٱلْجَـٰهِلِينَ ﴿٦٧﴾

Banggitin ninyo: Kabilang sa ulat ng mga nauna sa inyo ang nangyari sa pagitan nila at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kung saan nagpabatid siya sa kanila ng utos ni Allāh para sa kanila na magkatay sila ng isa sa mga baka. Sa halip na magdali-dali, nagsabi sila habang mga nagpapakahirap: "Gumagawa ka ba sa amin bilang tampulan ng pangungutya?" Kaya nagsabi si Moises: "Nagpapakupkop ako kay Allāh na ako ay maging kabilang sa mga nagsisinungaling laban kay Allāh at nangungutya sa mga tao."