Tafsir Al-Mukhtasar
وَإِذْ أَخَذْنَا مِيثَـٰقَكُمْ وَرَفَعْنَا فَوْقَكُمُ ٱلطُّورَ خُذُوا۟ مَآ ءَاتَيْنَـٰكُم بِقُوَّةٍ وَٱذْكُرُوا۟ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ ﴿٦٣﴾
Banggitin ninyo ang tinanggap Namin sa inyo na tipang binigyang-diin, na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Nag-angat Kami ng bundok sa ibabaw ninyo bilang pagpapangamba sa inyo at pagbabala laban sa paghinto sa paggawa ayon sa tipan habang nag-uutos sa inyo ng pagtanggap sa pinababa Namin sa inyo na Torah nang may pagsisikhay at pagsisikap, nang walang panghahamak at katamaran. Ingatan ninyo ang nilalaman nito at pagnilay-nilayan ninyo ito, nang sa gayon kayo, sa pamamagitan ng pagsagawa niyon, ay mangingilag sa parusa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.