×

البقرة

Ayah 61

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ قُلْتُمْ يَـٰمُوسَىٰ لَن نَّصْبِرَ عَلَىٰ طَعَامٍ وَٰحِدٍ فَٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ يُخْرِجْ لَنَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلْأَرْضُ مِنۢ بَقْلِهَا وَقِثَّآئِهَا وَفُومِهَا وَعَدَسِهَا وَبَصَلِهَا ۖ قَالَ أَتَسْتَبْدِلُونَ ٱلَّذِى هُوَ أَدْنَىٰ بِٱلَّذِى هُوَ خَيْرٌ ۚ ٱهْبِطُوا۟ مِصْرًا فَإِنَّ لَكُم مَّا سَأَلْتُمْ ۗ وَضُرِبَتْ عَلَيْهِمُ ٱلذِّلَّةُ وَٱلْمَسْكَنَةُ وَبَآءُو بِغَضَبٍ مِّنَ ٱللَّهِ ۗ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانُوا۟ يَكْفُرُونَ بِـَٔايَـٰتِ ٱللَّهِ وَيَقْتُلُونَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ ۗ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوا۟ وَّكَانُوا۟ يَعْتَدُونَ ﴿٦١﴾

Banggitin ninyo nang tumanggi kayong magpasalamat sa biyaya ng Panginoon ninyo saka nagsawa kayo sa pagkain ng pinababa ni Allāh sa inyo na manna at pugo. Nagsabi kayo: "Hindi kami makatitiis sa iisang [pares ng] pagkaing hindi nagbabago-bago." Kaya humiling kayo mula kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na dumalangin siya kay Allāh na magpalabas para sa inyo ng mga halaman ng lupa gaya ng mga gulay nito, mga pipinong ehipsiyo nito (nakawawangis ng pipino subalit ang mga ito ay higit na malaki), mga butil nito, mga lentiha nito, at mga sibuyas nito, bilang pagkain." Kaya nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagmamasama sa hiling ninyo: "Ipagpapalit ba ninyo sa siyang higit na kaunti at higit na mababa ang manna at ang pugo samantalang ang mga ito ay higit na mabuti at higit na marangal, gayong dumarating ito sa inyo nang walang hirap at pagod? Bumaba kayo mula sa lupaing ito tungo sa alinmang pamayanan saka makatatagpo kayo ng hinihingi ninyo sa mga taniman niyon at mga palengke niyon." Dahil sa pagsunod nila sa mga pithaya nila at pag-ayaw nilang paulit-ulit sa pinili ni Allāh para sa kanila, kumapit sa kanila ang kaabahan, ang karalitaan, at ang kasawiang-palad, at bumalik sila kalakip ng isang galit mula kay Allāh dahil sa pag-ayaw nila sa Relihiyon Niya, kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda Niya, at pagpatay nila sa mga propeta Niya dala ng kawalang-katarungan at pang-aaway. Lahat ng iyon ay dahilan sa sila ay sumuway kay Allāh at sila noon ay lumalampas sa mga hangganan Niya.